|
|
|
|
Arjohn Rei Reodica Arjohn Rei is wearing a blue-collared shirt. The other two kids are his
siblings,3-yr old Arvyn Roi in red-collared shirt and Andrea, the baby
Donations received by
Luisianians of the East Coast
(sent
through
Josie Estrellado Caliboso)
Fil-Am Women's Club of New York----------------$1,000 Luisianians of the East Coast--------------------$500 Evelyn Oblepias-Smith----------------------------$100 Marcy Olvina--------------------------------------$50 Vilma Subijano-Casanova---------------------------$20 Willie Reodica------------------------------------$20 Dr. Lauretta R. Cillian-Chung--------------------$200 Dr. Sonia Reodica Roda---------------------------$100 Leonor & Mario Subijano's family-----------------$100
Donations received by Luisianians of Southern California (sent through Mr and Mrs Renato & Elsie Megino Esmas) …….......................................... $1000 . Most of the donations were personal, from the following, generous members
Dr.
Manuel and Myrna (Mecija) Baculi
Mr and Mrs Al (Norma Oracion) Tuano Mr and Mrs Renato (Dee) Esperanza Mrs Evelyn Zalameda-Eichelberger Mr and Mrs Chris (Venus Villamin) Cruz Mr and Mrs Gener (Claire) Mecija Mr and Mrs Felix (Beth Amora) Ballo Mr and Mrs Glen (Del Romana) Askland Ms Eden Oblepias Mrs Lennie Mano Mr and Mrs Mike (Lili Zalameda) Khan Willie Reodica……………….............................$600 (Canadian dollar)
According to Gwen Reodica
Ito po ang detalye ng mga diskwento sa
hospital at doctors' fee na aming natanggap:
1) Congw. Lorna Cillan Silverio - Php
5,000.00 voucher
2) PHC Director (letter from Congw. Silverio forwarded to the director's office by Ate Shirley Aracan-Esperanza) - Php 5,000.00
3) Surgical Team Professional Fee
Ang hinihingi po ni Dr. Lopez para sa team ay Php 100,000.00 at todo discount na raw po iyon. Subalit humingi pa po kami ng tawad: a) Dra. Corres gave discount worth - Php 6,666.67 b) Dr. Lopez gave discount worth - Php 3,333.33 total Php 10,000.00
Sabi po ni Dra. Corres, yung
anesthesiologist, ang fee daw po talaga dapat namin ay Php 150,000.00
sapagkat na "partial bypass" daw po si Arjohn. Nahirapan daw po ang
surgeon kaya't gumamit din ng pump (attached to heart-lung machine) pero
hinde pinatigil ang tibok ng puso habang inooperahan. Open-heart surgery
daw po iyon.
Kaya po mula Php 150,000.00 to Php 100,000.00 ay naging Php 90,000.00 na lang ang para sa professional fee. Sa operating room pa lang daw po ay sinabi na ni Dr. Lopez sa mga ka-team niyang doctor na: "ang pera ni Reodica ay donations lamang, hangga't matitipid ang mga gagamitin sa kanya ay gawin natin."
Yun pong application namin na humihingi
kami ng tulong sa PCSO ay pina-process pa rin daw po. Medyo mabagal daw
po kasi napakarami ng lumalapit doon.
Muli po ay ang aming taos-pusong
pasasalamat!
Malusog na pangangatawan sa tuwina ang
aming dalangin para sa inyong lahat!
Sumasainyo,
Arez and Gwen
Dear All,
As of this writing, October 12, 2005, Arjohn
Rei is still recuperating at the Phil. Heart Center.
He is doing well! We asked him two days ago
to stand on his feet and he did, he even stomped both repeatedly to show
he's alright! Yesterday he was asking for a toy. We do not want him to
rush things though, unless advised by his doctors. Sabi po mismo ni
totoy na "mas magaan ngayon ang kanyang paghinga".
So far so good! His chest wounds are
healing. The vertical one, which is the largest wound, has no more
gauze, it was already removed for the wound is already dry outside. The
middle wound still has the thread but is getting better as well as the
lower horizontal wound. We were told to complete at least 7days stay at
the hospital prior to operation. That means Arjohn Rei will be
discharged at the hospital tomorrow, October 13 at the very least.
***
Ma'am Lili Zalameda-Khan,
Maraming-maraming salamat po!
We think we would best
consider receiving your donations thru Arjohn Rei's Banco De Oro account.
It is a peso account, if possible, please have your donations converted to
peso when deposited to this account. Western Union might be more speedy
but we don't know where we would collect the amount. We feel it's safer if
deposited at Arjohn's peso account.
Please extend our thanks to
all Southern California Luisianians who may not be reached by this email.
And please tell them also of Arjohn Rei's positive development!
Ito po ang account name at
number:
Accnt Name: Arjohn_Rei D Reodica Accnt No.: 1290076799 Branch: Calamba Branch, Calamba City Philippines Ito po ang Instructions na ibinigay sa amin para mabilis na maipadala sa account nya. Write down the details: Please pay/Remit to: (BDO's correspondent bank's name and SWIFTAddress) For the account of: Banco De Oro Universal Bank, Manila Philippine (BNORPHMM) In favor of: (Account name and account number of Arjohn Rei) For your remittance: Canadian Dollar Royal Bank of Canada Toronto, Canada SWIFTAddress: ROYCCAT2 US Dollar NEW YORK ABN-AMRO SWIFTAddress: ABNAUS33 American Express SWIFTAddress: AEIBUS33 Bank of New York SWIFTAddress: IRVTUS3N Citibank N.A. SWIFTAddress: CITUS33 Deutsche Bank SWIFTAddress: BKTRUS33 JP Morgan Chase Bank SWIFTAddress:CHASUS33 HSBC Bank USA SWIFTAddress: MRMDUS33 San Francisco: Bank of America SWIFTAddress: BOFAUS65 Union Bank of California SWIFTAddress: BOFCUS33SFO
****
Dear Ma'am Purine & Ma'am Vangie,
We received the collective checks thru Ma'am
Josie Estrellado. Maraming-maraming salamat po!
Ma'am Vangie, thanks also for connecting us to
congresswoman Silverio.
Ma'am Purine, salamat po! It came to the point
where you even had a mild stroke. Still, you didn't give up the thought of
helping Arjohn the best you can! God bless you and may He grant you a long
life!
Please extend our acknowledgment and thanks to
all those kind-hearted people who made their donations!
***
To Everyone,
Our deepest appreciations for all the help you
extended for Arjohn, especially your prayers.
This is certainly God's work in the way!
We consider Arjohn's battle halfway done. The
operation done on Arjohn is what medical people call "Glenn Shunt
procedure". It is said to be "intermediate" and "temporary". Said Dr.
Deleon: "It usually stays effective for 4 to 5 years on the average. But
there were cases that lasted for 8 to 10 years before the need for the
succeeding operation, the "Fontan Procedure", called in. Dr. Deleon and
Dr. Lopez told us to save for this next operation, in four or five years.
Before that time comes, we wish at least one of us could land a job abroad
to make our saving for that operation more probable.
We will update you all about Arjohn's BDO
account - transactions made, etc. We think when all donations are
deposited, we will still have some balance after all of Arjohn's expenses
are deducted. We certainly hope so! If that would be the case, we will
leave it deposited to this account and let it roll and earn interest -
initial fund for Arjohn's second operation.
On my next email, we plan to attach a
summarized document about the procedure done on Arjohn, the "Glenn Shunt"
and the next operation they will perform on Arjohn, the "Fontan
Procedure". All are from our internet searches about these and other
heart-related topics.
That's all for now..
Once again, we thank all of you!
God bless you all!
Sincerely,
Arez and Gwen Reodica
"Zalameda-Khan, Lilli Ann" <lillian.zalameda@ngc.com> wrote:
Kgg. na Kongresista Lorna
Silverio:
Magandang araw po sa inyo!
Kami po ang mag-asawang Arez
at Gwendolyn Reodica na mula sa bayan ng Luisiana Laguna. Nabanggit po
sa amin ni Mrs. Evangeline Robles sa kanyang liham ang inyong pangalan.
Bagama't di namin kayo kilala ay lakas loob po kaming sumulat. Nais po
naming lumapit sa inyo upang humingi ng tulong sa paglapit sa mga
ahensya ng pamahalaan na maaring magbigay sa amin ng suportang
pinansiyal.Marahil ay nabanggit sa inyo ni Ma'am Vangie ang tungkol sa
kalagayan ng aming limang (5) taong gulang na anak na lalaki na may
matinding karamdaman sa sakit sa puso. Siya po ngayon ay nakatakdang
operahan sa Phil. Heart Center sa ilalim ng pangunguna ni Dr. Serafin
Deleon (based in New Orleans) sa darating na Oct. 5, 2005. Ang kaniya
pong Cardiologist ay si Dr. Wilberto Lopez.
Ang amin pong anak ay hindi
naka-charity sa kadahilanan pong kumplikado ang kanyang sakit at ang
payo ng Doc niya ay si Dr. Deleon lamang ang maaaring mag-opera sa
kaniya. Kung mag-cha-charity daw po kami ay maiiba ang doktor na
mag-oopera. Hindi nga po kami bigyan ng "referral letter" ni Dr. Lopez.
Iyon po ay unang-unang requirement na hiningi sa amin nang lumapit kami
sa charity. Totoo pong mahal ang gastos sa operasyon at hindi po sapat
ang aming kinikita upang tugunan ang mga magiging kagastusan ng
operasyon at ng kanyang pamamalagi sa ospital.
Kami po ay nais na humingi
sa inyo ng tulong para sa mabilisang paglapit sa PCSO at sa PAGCOR.
Lahat po ng mga kakilala namin ay nagsasabi na mas mabilis ang proseso
ng paghingi ng tulong kung ang lumalapit ay mayroong kakilala sa loob ng
tanggapan. Kaya po, kahit alam namin na marami kayong inaasikaso lalo na
at galing kayo sa ibang bansa, ay lakas-loob pa rin kaming hihingi ng
inyong koneksyon sa mga tanggapan.Handa po akong pumunta ng PCSO anumang
araw. At sa PAGCOR din po, kahit na hindi ko pa alam ang sistema ng
paglapit dito.
Nabanggit din po ni Ma'am
Vangie na kakilala daw po ninyo ang Director ng PHC. Bawas tinik sa
dibdib na rin po iyon kung tayo ay mabibigyan ng discounts ng Director
ng PHC sa paraang pagbawas ng halaga sa kabuuang total ng bayarin.
Marahil ay nagtataka kayo
kung bakit naka-schedule na para sa operasyon ang aming anak gayong wala
pa naman kaming sapat na halaga upang ipambayad. Iyan po ay sa
kadahilanang ang doktor po na mag-oopera, si Dr. Serafin Deleon, na naka-base
sa New Orleans ay napaaga ang uwi dito sa Pilipinas upang mag-opera ng
mga pasyenteng may sakit sa puso dahil po ang lugar nila ay kasama sa
nasalanta ng "Hurricane Katrina". Dapat po kasi ay sa Nobyembre pa raw
ang uwi niya rito. Dumating po siya ng ika-2 linggo ng Setyembre at
babalik na sana ng Amerika sa Oktubre 9, subalit ayon po sa sekretarya
ni Dr. Lopez ay nare-book ang kaniyang flight ng Oktubre 17. Salamat sa
Diyos sapagkat marami pang mga pasyente dito ang nangangailangan ng
kaniyang tulong.
Ang isa pa pong dahilan kung
kaya't nais na rin naming maoperahan ang aming anak ay sapagkat habang
lumalaki ang bata ay mas lalong gumagrabe ang kaniyang kalagayan. Mas
kapuna-puna ngayon ang mga senyales ng sakit na ito. Ang nakakatakot pa
po ay ang kalimitang "casualty" daw po sa operasyon ay yaong mga malala
na ang kaso.
Sana po ay inyong maunawaan
at mabigyan ng pansin ang liham naming ito. Bagama't ang amin pong bayan
ay hindi sakop ng distritong inyong pinaglilingkuran, batid po namin na
hindi na iyon mahalaga para sa taong bukal sa loob ang pagnanais na
makatulong.
Marami pong salamat at
nawa'y patuloy kayong pagpalain ng ating Poong Maykapal!
Lubos na gumagalang,
G. at Gng. Arez at Gwendolyn
Reodica
109 Fabricante St. Luisiana, Laguna 4032
Ma'am Purine and Ma'am
Evangeline,
Thank you po sa mga
tulong at suporta nyong ibinibigay sa amin.
Nagpapasalamat din po
ako at may mga kaibigan kayona from Batangas Associations. Hindi ko
po inaasahan na may makukuha rin kaming tulong mula sa kanila. Kung
kailangan po nila personal informations ko, ito po:
Maiden Name: Gwendolyn
Petoral Dalisay
Birth Place: Batangas
Regional Hospital (Formerly Batangas provincial Hospital)
Birthdate: July 8, 1978
Parents: Juanito Enrico
Dalisay from Brgy. Kayumangi, Lipa City (Farmer)
Nelia
Laygo Petoral from Brgy. Sta. Cruz, Rosario, Batangas (Plain
housewife)
Schools Attended:
Elementary:
Julian D. Luna Elementary School -->Brgy. Sta. Cruz Rosario,
Batangas
Secondary: Saint Joseph
Institute --> Rosario, Batangas
Vocational School: Meralco
Foundation Institute --> Ortigas, Pasig City
Hindi ko po
alam kung paano ko ipapakilala ang aking sarili sa kanila kasi po ay
hindi naman ako active sa kahit anong organisasyon meron sa bayan
namin. Marahil, kung kilala po nila si Mr. & Mrs. Juan Manalo of
Brgy. Pansol, Padre Garcia Batangas, apo sa pamangkin po nila ako.
Ang asawa ni Mr. Juan Manalo ay kapatid ng namatay kong lolo. Or
kung kilala po nila si Mr. Mariano Manalo of Villa Rosa Subdivision,
Lipa City (son of Juan Manalo), pamangkin sa pinsan nila ako. Iyan
lamang po ang mga kilalang tao na sa palagay ko ay maaring kilala
nila o narinig na nila ang pangalan. Ito rin pong mga taong ito ang siya
kong nilalapitan upang humingi ng tulong para sa operasyon ng aking
anak. Subalit ang maitutulong din po nila ay ang ilapit kami sa
Social Services-Charity ng Hospital. Batid naman po ninyo kung gaano
kakomplikado ang sakit ng aming anak kung kaya't hindi po namin nais
na ipagsapalaran ang buhay niya sa operasyon mula sa Charity sa
ilalim ng mga Residente ng Philippine Heart Center. At mismong ang
cardiologist ng aming anak na isang consultant sa Charity ng natural
hospital ang nagsabi na huwag namin ipapa-under sa social services
ang aming anak sapagkat hindi simpleng kaso lamang ito. Kung simple
lamang daw po ay walang problema, siya na mismo ang magre-recommend
sa amin sa Charity.
Kung may kilala
po silang taga-Rosario Batangas ay marahil alam nila ang Barangay
namin. Wala naman po akong alam sa lugar namin na andyan sa States
kaya wala po akong masabi na kakilala.
Sana po ay
kahit konti lang ang information na ito ay makatulong ito para
makilala nila ako.
Syanga po pala,
nag-open kami ng account ni Arjohn Rei Reodica. Kinausap po namin
ang Banco De Oro upang makapag-open ng account under Arjohn Rei
Reodica's Medical Trust Fund. Subalit kailangan pa daw po namin
itong ipa-register at ipa-notario. Kaya po saBanco De Oro Junior
Saving Club na lamang ang aming binuksan. Dito daw po ay maaaring
magpadala din ang mga gustong tumulong mula sa ibang bansa.
Ito po ang account name
at number:
Accnt Name: Arjohn_Rei D
Reodica
Accnt No.: 1290076799
Branch: Calamba Branch,
Calamba City Philippines
Ito po ang Instructions
na ibinigay sa amin para mabilis na maipadala sa account nya.
Write down the details:
Please pay/Remit
to: (BDO's correspondent bank's name and SWIFTAddress)
For the account
of: Banco De Oro Universal Bank, Manila Philippine (BNORPHMM)
In favor
of: (Account name and account number of Arjohn Rei)
For your remittance:
Canadian Dollar
Royal Bank of Canada
Toronto, Canada
SWIFTAddress:
ROYCCAT2
US Dollar
NEW YORK
ABN-AMRO
SWIFTAddress: ABNAUS33
American
Express SWIFTAddress: AEIBUS33
Bank of
New York SWIFTAddress: IRVTUS3N
Citibank
N.A. SWIFTAddress: CITUS33
Deutsche
Bank SWIFTAddress: BKTRUS33
JP Morgan
Chase Bank SWIFTAddress:CHASUS33
HSBC Bank
USA SWIFTAddress: MRMDUS33
San Francisco: Bank of
America SWIFTAddress: BOFAUS65
Union Bank of California SWIFTAddress: BOFCUS33SFO
Ma'am, salamat po ulit
at sana po ay ipanalangin din nila ang nalalapit nyang operasyon.
Email ko po ulit kayo kapag may exact date na po,kasi pinagagaling
lang ubo nya at naghihintay kami ng makakalap na pondo para matuloy
ang operasyon nya sa lalong madaling panahon.
Salamat po ulit at
nawa'y pagpalain tayo ng Maykapal.
God Bless!
Gwendolyn
Dalisay-Reodica
Picture of Arjohn, taken last Sunday, July 17, 2005.
To: Mrs. Fancy Baluyot
Coordinator
Philippine Gift of Life
Cc: Mrs. Purine V. Santos
Mrs. Evangeline Robles
From: Mr. and Mrs. Arez and Gwendolyn Reodica
Madam:
Magandang araw po sa inyo at sa mga bumubuo ng Philippine Gift of Life
Foundation!
Kami po ay mag-asawang sina Arez ng Luisiana, Laguna at Gwendolyn ng
Rosario, Batangas. Kami po ngayon ay lumalapit sa inyong samahan sapagkat
isa pong may mabuting loob na balikbayan sa aming munting bayan ng
Luisiana,ang nagbanggit ng inyong pangalan upang aming dulugan.
Si Mrs. Purine V. Santos po, na buhat sa New York, USA, nang minsang
magbalikbayan at sa unang pagkakataon ay nakita ang aming anak ay
naantig ang puso sa kalagayan ng bata. At sa kaniyang pagbabalik sa America
ay nabigyang pag-asa ang aming anak sa kaniyang pangakong isasangguni niya
sa mga Rotarians at sa GOL foundation doon ang kalagayan ng aming anak.
Lubos din po ang kaniyang pagnanais na kami ay matulungan ng naturang
foundation.
Ang amin pong anak, si Arjohn Rei, ay ipinanganak na may
Congenital/Complex Heart Disease. Sa awa ng Diyos, siya po ngayon ay limang
taong gulang na at sa pakiusap namin sa school principal na siya’y tanggapin,
ngayon siya’y nag-aaral bilang “prep”.
Ang pinakahuling resulta po ng isinagawang 2-D echo sa kaniya sa
Philippine Heart Center noong nakaraang May 13, 2004 ay ang mga sumusunod:
1)Situs Inversus
2)Dextrocardia, mirror image
3)Complete atrioventricular canal (atrial septal defect primum large;
ventricular septal defect inlet, large)
4)Aorta anterior to the pulmonary artery
5)Pulmonary stenosis infundibulovalvar with SPG of 65mmHg
6)Confluent and good sized pulmonary arteries (RPA=0.85cm and LPA=0.9cm)
7)Good left ventricular systolic function
8)Right sided aortic arch
9)No patent ductus arteriosus nor collaterals
Ang VHS copy po ng 2-D Echo at ang kaukulang Report (in paper), sa
kahilingan ng foundation, ay aming ipinadala sa pangalan ni Mrs. Santos.
At ayon po sa kanya ito ay nakita na ng doctor ng foundation na si Dr.
Ramiro Cadag. Dito po sa Pilipinas, ang doctor ng aming anak ay si
Dr. Wilberto Lopez ng Philippine Heart Center. Ipinaliwanag niya po sa amin
na ang case ng sakit ng aming anak ay "complicated". Ang preferred niya pong
mag-opera sa aming anak ay si Dr. Serafin Y. Deleon , isang resident doctor
na Pilipino doon sa New Orleans sa America. Taun-taon po ay 2 beses siya
umuuwi ng Pilipinas upang mag-opera ng mga may sakit sa puso at ka-team niya
raw po sa gawaing iyon si Dr. Lopez.
Bagamat hindi pa po kami sigurado na makakalikom kami ng ganun kalaking
halaga, at sa advice na rin ng doctor, naka-lineup na po ang aming anak
na si Arjohn para maoperahan sa darating na Disyembre, sa muling pagpunta
rito ni Dr. Deleon. Bago po ang operasyon ay isang assesment muna ang
gagawin sa aming anak sa buwan ng Nobyembre. Ang tawag po rito ay "cardiac
catheterization".
Ayon po kay Dr. Lopez, ito po ang inisyal na tantiya ng gagastusin::
a) Cardiac Cathetherization (November 2005) -----------> Php 55,000
to 60,000
b) Surgery/Operation (December 2005) -------------------> Php 500,000
(for severe cases / open heart surgery)
Ito po ang clinic schedule at contact number ni Dr. Lopez:
Wilberto Lopez, M.D.
Pediatrics-Pediatric Cardiology
Philippine Heart Center
Tel Nos. (+632) 925-2401 to 50 loc. 3417
Direct Line: 433-5900
Daily except Sunday
10:00 AM ~ 12:00 NN
Sa kasamaang palad po, si Mrs. Purine Santos ay na-stroke. Sa
kasalukuyan po ay hindi pa siya lubhang nakaka-recover, may mga bagay
na hirap pa siyang gawin tulad ng magsulat. Sa liham niya po sa kaniyang
kapatid dito sa Luisiana ay handwritten sa simula at dagling nag-typewritten
sapagkat halos hindi po mabasa ang kaniyang handwriting. Binanggit niya po
sa liham na iyon ang paglapit po namin sa inyo at baka sakali daw po na sa
pamamagitan ng inyong tanggapan ay ma-consider sa charity ang operasyon ng
aming anak nang sa gayon ay mabawasan ang mga dapat bayaran.
Kami po ay mga young parents ni Arjohn. Pareho po kaming blue-collar worker
sa isang pabrika ng Hard Disk dito sa Calamba, Laguna. Alam po ng Diyos na
kahit ang aming panahon ay igugol namin sa trabaho ay hindi kami makakalikom
ng ganoong kalaking halaga. Subalit madalas rin po ang overtime namin
sapagkat batid namin na even a single peso can make a difference.
Sa pagkakataon pong ito, na bilang mga magulang ay kita namin ang
dinadaanang hirap ng aming anak lalo habang siya’y lumalaki, ano man
pong klaseng tulong ang inyong maibahagi sa amin ay aming tatanawing
malaking utang na loob. Tanging operasyon na po lamang ang makatutulong sa
kaniya.
Kami po ay nagbabaka-sakali na inyo ring matulungan ang aming anak.
Para po sa inyong mga katanungan o paglilinaw, maaari nyo po kaming
i-email sa address na ito:
greodica@fcpp.fujitsu.com
Puede ninyo rin po kaming tawagan o i-text sa cellphone number:
09173911152.
Ang email address naman po ni Mrs. Purine Santos: purineray@aol.com
or ng kaniyang kapatid na si Mrs. Evangeline Robles:
evangelinerobles@yahoo.com.
Kalakip po sa liham na ito ang 2D-Echo result at munting video ni
Arjohn Rei.
Maraming Salamat po at nawa’y patnubayan tayo ng Maykapal.
Greetings!
I am attaching herewith
the requirements of potential Gift of Life recipients in the
Philippines.
Kindly disseminate said
information to the parent or relative of the patient for proper
compliance. For further inquiries, please advise the
parent / relative of the patient to contact the Philippine
Gift of Life office through phone numbers (038) 411-2486 and (038)
501-9196.
Thank you very much.
Sincerely,
FANCY S. BALUYOT
President / CEO, Philippine Gift of Life, Inc. Consultant, Health & Social Services Madam,
Thank you very much for the reply!
We would like to ask some questions and clarify some things regarding
the application procedures:
1) What is the required picture: whole body, close-up, or half body?
2) Can we get a copy of GOL health form via e-mail? If so, then we'll
send it back via mail together with the other requirements once the required
informations we have filled up.
3) Do we need to have our patient, Arjohn Rei, undergo another 2D-Echo? Or
can we just request at Phil. Heart Center a copy of his latest 2D-Echo
which was last May 31, 2004?
4) Is the requirement for the patient's companion a must? Or is it only
for parties whose patients will be treated abroad? On the advice of Dr.
Ramiro Cadag, it is better that Arjohn Rei be treated here in the Philippines
because of the numerous applicants that avail of the program abroad.
Ma'am, thank you so much for giving a portion of your valuable time in
replying to our e-mails!
We have been trying to make a phone conversation with you since
yesterday but we found out how busy a person you are. Unfortunately for us, we
are now working in Night Shift so we were'nt able to contact you on your
available time. But we will certainly look up to that phone conversation with
you.
Sincerely,
Arez and Gwendolyn
Parents of Arjohn Rei
|